Home NATIONWIDE Environmental complaint laban sa China malapit nang matapos – DOJ

Environmental complaint laban sa China malapit nang matapos – DOJ

MANILA, Philippines – Makukumpleto na ng Department of Justice (DOJ) ang reklamong isasampa laban sa China dulot ng pinsalang ginawa nito sa West Philippine Sea.

Sinabi ni Justice spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano na ilang linggo na lamang ay matatapos na ang ginagawa nilang “evidence gathering.”

Patuloy aniya nakikipag-ugnayan ang DOJ sa Office of the Solicitor General upang masiguro na matibay ang isasampang environmental complaint laban sa China.

“Confident naman tayo na in a few weeks mabuo na ‘yung ating complaint at mga attachment na ebidensya,” ani Clavano.

Nakaraang taon pa pinag-aaralan ng pamahalaan na magsampa ng kaso laban sa China dahil sa malubhang idinudulot nito sa marine biodiversity sa West Philippine Sea.

Ayon sa mga otoridad, dahil sa panghihimasok ng China sa West Philippine Sea, nasira na ang tinatayang nasa 2,000 hektarya ng coral reefs. Teresa Tavares