Home METRO P390K kita ng convenience store tinangay ng kawatan

P390K kita ng convenience store tinangay ng kawatan

MANILA, Philippines – Nasa humigit kumulang sa kalahating milyong halaga ang natangay ng kawataan makaraang pasukin ang isang convenience store sa Alfonso, Cavite.

Nagsasagawa pa ang pulisya ng imbestigasyon upang matukoy ang pagkakakilanlan ng suspek na tumakas matapos ang insidente.

Batay sa Store Manager ng Dali Store sa Brgy Kaytitinga 1, Alfonso, Cavite, dakong alas-7:30 ng umaga nang natuklasan nila ang ginawang panloloob nang mqgbukas sila ng kanilang tindahan.

Sa inisyal na imbestigasyon, sinira umano ng suspek ang pader ng tindahan at nang nakapasok ay tinangay ang mahigit sa P390,000 kita ng tindahan.

Hindi naman binanggit kung saang pader ang sinira ng kawatan dahil karamihan sa mga tindahan ng Dali ay gawa sa konkretong semento.

Nagsasagawa naman ng backtracking sa Closed Circuit Television (CCTV) para sa pagkakakilanlan ng suspek. Margie Bautista