MANILA, Philippines – PINAYUHAN ni Philippine Ambassador to the United States Jose Manuel “Babes” Romualdez ang mga Filipino na tinuturing na TNT o tago-nang-tago o ilegal na nananatili sa Estados Unidos na huwag nang hintayin na ma-deport o ipatapon pabalik ng bansa kasunod ng pagkapanalo ni President-elect Donald Trump.
Sa isang online forum na hinost ng Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP), binigyang diin ni Romualdez na sa pagkapanalo ni Trump, masasabing bilang na ang masasayang araw ng lahat ng immigrants sa Estados Unidos.
Habang may mas maliit na bilang ng mga Filipino na ilegal na nananatili sa Estados Unidos, mayroong 250,000-300,000 kumpara sa ibang bansa, sinabi ni Romualdez na iyong mga nananatili sa Amwerika na walang “any kind of status” ay dapat na boluntaryong bumalik na ng Pilipinas o simulan nang asikasuhin ang kanilang mga dokumento.
“My advice to many of our fellowmen who actually are still here but cannot get any kind of status. My advice is for them not to wait to be deported,” ang sinabi ni Romualdez.
“Because I can see that the administration of President Trump is really going to be very strict with the immigration policy that he intends to put in place because that is the promise he made to the American public,” aniya pa rin.
Sa oras na ma-deport, sinabi ni Romualdez na mayroong 99% ang hindi na makababalik pa ng Estados Unidos.
“You can never come back to the United States. At least, if you leave, there is always the opportunity or a chance that you’ll be able to file,” ani Romualdez.
“Filipinos who are illegally staying in the US could seek help through the attaché from the Department of Migrant Workers at the Philippine Embassy in Washington,” dagdag na wika nito.
Gayunman, nilinaw nito na ang “only assistance” na maaari nilang ibigay ay “to give them advice.”
“If they have a potential roadblock to be able to stay in the United States legally, then we tell them to get the right person to help you– a lawyer or whoever it is– and start the process. But if there is none, it’s clear that there’s only one way so that you will have a chance to be able to apply legally but do not allow yourselves to be deported,” ang sinabi ni Romualdez.
Nagbabala naman si Romualdez sa mga filipino na hindi maaaring magpatuloy ang mga ito (Filipino) na makapagtago dahil ang pagpapalitan ng impormasyon sa hanay ng mga ahensiya sa America ay mas madali na ngayon.
Sa kabilang dako, sa victory speech ni Trump, inulit nito na isasara niya ang borders sa Estados Unidos at magpapatupad ng mahigpit na batas laban sa illegal aliens.
“We gonna have to seal up those borders, we are gonna have to let people come into our country. We want people to come back in, but they have to come in legally… We are gonna start by putting America first,” ang sinabi pa rin ni Trump.
“There are 4,640,313 Filipinos in the US as of last year,” ayon sa pinakabagong pigura ng US Census Bureau.
Makikita naman sa data mula sa US Department of Homeland Security na ang Filipino ay mayroong fifth largest unauthorized immigrant population sa Estados Unidos na may 350,000 noong 2022. Kris Jose