Ang Eastern Police District sa ilalim ng pamumuno ng Officer-in-Charge nito na si PBGEN ADEN T LAGRADANTE ay nagnanais na magkaroon ng ligtas, maayos at mapayapang Halalan ngayong darating na Mayo 12,2025 lalo na sa silangang bahagi ng kamaynilaan.Kaya naman sa natitirang halos dalawang linggo bago ang eleksyon ay nagsagawa ng Local Absentee Voting (LAV) ang EPD sa pakikipagtulungan ng Commission on Election (COMELEC) sa pmumuno ni Atty. Ronald Santiago, Election Officer, COMELEC, Pasig 1st District para sa 2025 National and Local Elections na ginanap umaga ng Abril 30, 2025 sa EPD Multi-purpose Hall, Caruncho Ave., Brgy. Malinao, Pasig City. DANNY QUERUBIN