Home NATIONWIDE Epekto ng ingay politika sa ekonomiya, ‘di maiiwasan – Malakanyang

Epekto ng ingay politika sa ekonomiya, ‘di maiiwasan – Malakanyang

262
0

MANILA, Philippines – Habang masaya ang Malakanyang sa paggaan ng inflation rate sa bansa, tanggap naman nito na ang ingay sa politika ay makaaapekto talaga sa ekonomiya ng bansa.

“The country’s inflation rate slowed to 1.5 percent in November, easing from 1.7 percent in October and 2.5 percent in the same month last year, largely due to lower food prices,” ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).

“Maganda ang ipinapakita na pagbaba ng inflation rate dahil nga sabi natin hindi maiiwasan because of the political noise na talaga namang maaapektuhan ang ating ekonomiya,” ayon kay Palace Press Officer at Communications Undersecretary Claire Castro sa press briefing sa Malakanyang.

“At kapag naman po ito ay natapos na at naipakita naman ng Pangulo kung ano ang reason kung bakit kailangan magkaroon ng pag-iimbestiga, tingin natin mas lalong magtitiwala ang taumbayan sa Pangulo,” aniya pa rin.

Binigyang diin ni Castro na maaaring ang desisyon ng Pangulo ay hindi popular, dahil nandyan ang posibilidad na ang sarili niyang administrasyon ang direktang apektado, mas pinili ng Pangulo na simulan ang  anti-corruption effort kahit na sa kapakanan ng ekonomiya.

“Sabi nga natin may mga pagkakataon hindi siguro popular ang iyong desisyon dahil makakaapekto mismo ito sa iyong administrasyon pero anong pipiliin mo popular na desisyon or right decision? So, sa Pangulo, ito iyong tinatawag nating right decision. Kahit ano pang mangyari, maapektuhan man pansamantala ang ating ekonomiya, ang ating taumbayan basta dapat maituwid ang tama,” aniya pa rin.

Tanggap din ni Castro na maraming ordinaryong mamamayan ang hindi mauunawaan kung paano ang ekonomiya ay tumakbo, kaya nga hinikayat niya ang mga ito na magtiwala sa rekord.

“Maraming mga tao malamang na hindi maniniwala dahil hindi naman sila ganoon ka-aware kung papaano tumatakbo ang ekonomiya. Marami talagang ordinaryong tao, mga simpleng tao minsan na ang ganitong mga masyadong teknikal ay talaga namang hindi maintindihan. Pero saan po ba tayo maniniwala hindi po ba sa records?” ani Castro.

Samantala, sinabi ito ni Castro nang hingan siya ng komento ukol sa social media users na nag-aatubili na maniwala sa kamakailan lamang na inflation rate. (KRIS JOSE)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here