Home NATIONWIDE Epekto ng POGO ban binubusisi ng DOLE

Epekto ng POGO ban binubusisi ng DOLE

MANILA, Philippines- Sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma nitong Martes na pinag-aaralan na nila ang mga bilang upang malaman kung ilan ang maaaring maapektuhan sa kaso ng pagbabawal ng POGO sa bansa.

”Sa DOLE, we always are concerned with loss of employment, but we will always in a sense follow, abide kung ano man iyong decision vis-à-vis this item,” pahayag ni Laguesma sa Palace press conference.

Naunang inihayag ni National Economic Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan na hindi pa natatalakay ng Marcos Cabinet ang mga panawagan na ipagbawal ang illegal POGO operations sa bansa.

“In the meantime, we have already done profiling of those who will be affected just in case magkaroon talaga ng desisyon na isara iyan,” ani Laguesma. 

Sa kasalukuyan ay iniimbestigahan ng gobyerno ng Pilipinas angillegal POGO hubs sa bansa. RNT/SA