MANILA, Philippines – Maghahain ng motion for reconsideration si Energy Regulatory Commission (ERC) Chair Monalisa Dimalanta kaugnay sa preventive suspension na ipinataw sa kanya ng Office of the Ombudsman.
Ipinag-utos kasi ng Ombudsman ang six-month preventive suspension kay Dimalanta sa umano’y neglect of duty na may kinalaman sa reklamong inihain ng isang consumer interest group.
Sa panayam, sinabi ni Dimalanta na hindi siya matitinag ng reklamo na inaasahan niya bilang siya ay isang public servant.
Sa kabila nito, nagulat umano siya na hindi pa natatanggap ang opisyal na kopya ng reklamo o ng kautusan ng Ombudsman.
“Siguro ang ikinagulat ko lang, hindi kasi tayo nakatanggap ng complaint. Up to this day, wala pa rin akong natatanggap na copy ng complaint officially at wala rin akong kopya nung order pa except ‘yung mga naipamahagi sa media,” ayon kay Dimalanta sa panayam ng Radyo 630.
“Once we get that, ang balak ko ay magfa-file tayo ng motion for reconsideration. Kung kailangan i-apela, i-aapela natin,” dagdag pa niya. RNT/JGC