MANILA, Philippines – Nakipagsagutan sa pamamagitan ng radio challenge ang 12-seater patrol airplane ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) matapos itong bantaan ng isang Chinese navy ship na may bow No. 500 habang nasa West Philippine Sea.
Ayon sa boses mula sa radio challenge ng China, ang eroplano ng BFAR ay pumasok na sa Chinese “territorial airspace” at dapat na “leave immediately [to] avoid misunderstanding.”
Inulit pa ng 40 beses ang radio challenge sa loob ng tatlong oras na paglipad ng BFAR.
Sa kabila nito, hindi natinag ang dalawang piloto ng Pilipinas na paulit-ulit din ang nagiging tugon.
Anang BFAR, sila umano ay nagsasagawa lamang ng “a lawful maritime patrol” sa loob ng 370-kilometer (200-nautical-mile) exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.
Ang tugon na ito ay sinisegundahan pa ng sagot para sa mga Chinese na, “You are way beyond the 200-nautical-mile EEZ of your country. Please review your chart!”
Ang eroplano ng BFAR ay nasa lugar para suportahan ang isinasagawang misyon ng paghahatid ng mga suplay sa mga mangingisda sa Bajo de Masinloc, kasama ang Philippine Coast Guard. RNT/JGC