Home NATIONWIDE Army civilian volunteer patay nang makuryente

Army civilian volunteer patay nang makuryente

MANILA, Philippines – Patay ang civilian volunteer ng Philippine Army matapos makuryente sa Barangay White Cliff, Boac, Marinduque nitong Biyernes ng hapon, Disyembre 20.

Sa imbestigasyon, napag-alaman na nagtungo sa banyo ang biktima habang dumadalo sa klase sa Delta Company headquarters ng 85th Infantry Battalion.

Nagsasagawa ng physical accounting si Army Sgt. Ernel Cajes nang madiskubre na nawawala ang biktima.

Nang hanapin ay naabutan si Mandia malapit sa isang electrical water pump at wala nang malay.

Dinala sa ospital ang biktima ngunit idineklarang patay dahil sa pagkakuryente. RNT/JGC