MAGUINDANAO DEL SUR — Kinumpirma ng U.S. Indo-Pacific Command (INDOPACOM) na ang eroplanong bumagsak sa Ampatuan, Maguindanao del Sur noong Pebrero 6 ay kinontrata ng U.S. Department of Defense at nagsasagawa ng intelligence, surveillance, at reconnaissance (ISR) support para sa Pilipinas.
Ayon sa INDOPACOM, ang insidente ay naganap habang isinasagawa ang isang routine mission bilang bahagi ng U.S.-Philippine security cooperation activities.
Walang nakaligtas sa pagbagsak ng eroplano. Nasawi ang apat na sakay, kabilang ang isang U.S. military service member at tatlong defense contractors. Hindi pa inilalabas ang kanilang mga pangalan habang hinihintay ang opisyal na abiso sa kanilang mga pamilya.
Patuloy pa rin ang imbestigasyon sa sanhi ng pagbagsak ng eroplano. RNT