Home METRO Erpat na naghatid ng anak tigok sa suwag ng van

Erpat na naghatid ng anak tigok sa suwag ng van

MANILA, Philippines – Patay ang isang 59-anyos na tatay matapos na sumalpok ang sinasakyang motorsiklo sa kasalubong na van.

Naganap ang aksidente sa pakurbang bahagi ng kalsada sa Nasugbu, Batangas nitong Martes, Mayo 6, ng umaga.

Nagtamo ng matinding pinsala sa ulo at katawan ang biktima na idineklarang dead on arrival sa ospital.

Base sa pulisya, pauwi na sana ang biktima matapos na ihatid ang anak sa kalapit na barangay.

“Siguro nagmamadali kaya nawalan siya ng kontrol. Kung pagbabasehan po yung damage ng motor at saka nung nakabanggaan niya, talaga pong may kabilisan ang pagpapatakbo niya,” ayon kay Police Staff Sergeant Ronnie Bagsic, investigator, Nasugbu Police Station.

Nasa kostudiya ng pulisya ang driver ng van habang hinihintay kung magsasampa ng reklamo ang pamilya ng nasawi. RNT