Home METRO Erpat tigok, anak sugatan sa pagsabog sa NegOc

Erpat tigok, anak sugatan sa pagsabog sa NegOc

BACOLOD CITY – Patay ang isang 58-anyos na lalaki at sugatan ang kanyang anak sa pagsabog sa Purok Lomboy, Barangay Oringao, Kabankalan City, Negros Occidental noong Lunes ng gabi, Abril 22.

Kinilala ng pulisya ang nasawi na si Remy Libo-on.

Sinabi ni Police Lt. Col. Roberto Indiape Jr., hepe ng Kabankalan police, na mag-iimpake sana ng uling si Remy at ang kanyang anak na si Arnel, 34, nang mangyari ang pagsabog dakong alas-7 ng gabi.

Nagtamo ng mga pinsala sina Remy at Arnel at dinala sa Lorenzo D. Zayco District Hospital sa Kabankalan City. Nagpapagaling na si Arnel.

Namatay si Remy sa ospital noong Martes ng hapon, Abril 23.

Hindi pa matukoy ng pulisya ang sanhi ng pagsabog. RNT