Home NATIONWIDE ES Bersamin: ‘Di dapat mabahala sa utos ni Brawner sa militar na...

ES Bersamin: ‘Di dapat mabahala sa utos ni Brawner sa militar na maghanda sa posibilidad na invasion ng Tsina sa Taiwan

MANILA, Philippines- “We are not going to war.”

Ito ang naging tugon ni Executive Secretary Lucas Bersamin nang sabihan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang tropa ng militar na maghanda kaugnay sa posibleng pagsalakay ng China sa Taiwan.

Sa isang ambush interview, sinabi ni Bersamin na walang dahilan para maalarma ang taumbayan sa naging kautusan ni Brawner sa tropa ng militar na maghanda dahil lamang sa nagsagawa ng military exercises ang China sa paligid ng Taiwan kung saan ay nilahukan ito ng kanilang army, navy, air at rocket personnel.

”Hindi bago ito kasi matagal na naming pinag-uusapan ‘yan ano. Because of the great possibility of the mainland China crossing the channel between it and Taiwan to recover Taiwan. This is just part of the preparedness that we as a country should be put into. ‘Yung context noong kay Gen. Brawner making that statement, there should not be any alarm on the part of the Filipinos to look or see that interview. Because the Philippines has been preparing for the eventuality of an invasion,” ang sinabi ni Bersamin.

At kung sakali man aniya na may atas si Brawner sa tropa ng militar na maghanda, malinaw na ang nais lamang nitong ipakita sa taumbayan na hindi natutulog sa pansitan ang pamahalaan.

”We’re not saying when that invasion will take place, whether it will take place at all. Ang importante sa atin, hindi tayo natutulog sa pansitan. Kaya ‘yung context nung pagsasalita ni Gen. Brawner is just to announce something that we are prepared, whole of nation, whole of government approach ‘yan,” dagdag na wika nito.

Tiniyak pa rin ni Bersamin na walang ‘main agency’ ang sangkot sa preparasyon, idagdag pa na ang prayoridad, kung mayroon ay ang pagpapauwi sa mga Filipino.

Siniguro naman ni Bersamin na ang Pilipinas ay mangangailangan ng assets para sa kaganapang ito. Kris Jose