MANILA, Philippines- Sinabi ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Martes na ang usapin ng posibleng paggawad ng clemency para kay Filipino death row convict Mary Jane Veloso ay “premature” pa.
Inilipat si Veloso — naaresto at sinintensyahan ng bitay noong 2010 matapos mahulihan ng 2.6 kilo ng heroin sa kanyang bagahe — sa Pilipinas, kung saan inaasahang papatawan siya ng life imprisonment dahil sa kawalan ng death penalty sa bansa.
“We will not talk about that yet. Let’s wait for her repatriation because it is premature to speculate,” komento ni Bersamin sa mga panawagan kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gawaran ng clemency si Veloso.
“Premature pa, paratingin natin bago tayo magusap,” aniya pa.
Nang tanungin kung inaasahang makikipagkita si Pangulong Marcos kay Veloso sinabi ni Bersamin: “Hindi ko alam pero siguro naman that is one of the possibilities.”
“We do not know. She must first arrive here before we can make a decision,” patuloy niya. RNT/SA