MANILA, Philippines- Iginiit ng Philippine Navy nitong Martes na walang rason ang China na harangin ang Escoda Shoal sa gitna ng deployment ng Philippine ship bilang kapalit ng BRP Teresa Magbanua.
“I don’t see any reason why they would block Sabina Shoal or Escoda Shoal. There’s no reason for that. Whatever they do, we will keep performing our mandate,” pahayag ni Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Philippine Navy spokesperson for the West Philippine Sea, sa isang press briefing.
Sinabi rin ni National Security Adviser Eduardo Año noong Biyernes na nagpadala ang Philippine Coast Guard (PCG) ng barko sa Escoda Shoal bilang kapalit ng BRP Teresa Magbanua, ang pinakamalaking barko sa fleet nito.
“Actually, nagpadala na ang ating Coast Guard pero because of the weather kailangan mag-shelter muna,” pahayag ni Año sa isang ambush interview.
“Tuloy-tuloy ‘yan as soon as mag-improve ‘yung weather. May plano ‘yung ating Philippine Coast Guard kung paano poproteksyunan ang ating West Philippine Sea,” patuloy niya.
Sa nakalipas na linggo, umakyat ang bilang ng Chinese vessels sa Escoda Shoal mula 65 sa 82 kabilang ang 11 Chinese warships.
Matapos ang limang buwang pagtigil sa pinagtatalunang lugar, inalis ang BRP Teresa Magbanua mula sa Escoda Shoal dahil sa kuwestiyonableng “seaworthiness” nito, kakulangan ng suplay para sa crew, at masamng panahon, ayon sa PCG.
Ang Escoda Shoal, kilala rin bilang Sabina Shoal, ay matatagpuan 75 nautical miles o halos 140 kms mula sa Palawan at saklaw ng 200-nautical mile exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas. RNT/SA