Home NATIONWIDE Escudero nagmatigas, tutol pa rin sa Cha-cha

Escudero nagmatigas, tutol pa rin sa Cha-cha

MANILA, Philippines – Sa kabila ng pagkakatalaga bilang bagong lider ng Mataas na Kapulungan, nagmatigas si Senate President Francis “Chiz” Escudero sa pagtutol sa pag-aamyenda sa ilang probisyon ng ekonomiya sa 1987 Constitution.

Ayon kay Escudero, hindi magbabago ang kanyang posisyon sa economic charter change dahil hindi malinaw ang umiiral na panukala kung paano boboto ang dalawang kapulungan ng Kongreso.

‘Yan ang personal kong posisyon. Hindi nagbabago ‘yun. At kung maalala mo maski ‘yung RBH 6 at 7 ay hindi rin ako sang-ayon du’n at kahit na ‘yung unang pagdinig lang in-attend-an ko hindi na ako sang-ayon sa ginawang pagdinig nila Senate President Zubiri,” ayon kay Escudero.

“Iyong pinakahuli ata nila ay sa Baguio na ang nag-attend ay si Senate President Zubiri, Senate Pro-tempore Legarda at ‘yung itinalaga nilang chairman na si Chairman Angara. Personally hindi ako sang-ayon doon dahil hindi maliwanag na hiwalay ang botohan nga ba ng Senado at ng Kongreso,” dagdag pa ni Escudero.

Naunang pinangungunahan ni Senador Sonny Angara ang subcommittee na tumatalakay sa Resolution of Both Houses (RBH) 6, pero nagbitiw si Angara matapos mapatalsik si Zubiri bilang Senate president.

Inaamndhaan n RBH 7 ng 1987 Constitution sa pamamagitan ng pag-aalis ng 40% limit s foreign ownership sa vital industries tulad ng education, advertising at public utilities.

BErsion ng Senado ang RBH 6 sa RBH 7. Nakatakda sa RBH 6, na hiwalay na boboto ang House of Representatives at Senate sa panukalang constitutional amendments bilang constituent assembly.

Hindi binanggit sa RBH 7 ng Mababang Kapulungan ang pamamaraan ng pagboto sa constitutional assembly at halip nakatakda ito na kailangan bomto ang miyembro ng Kongreso na tatlong bahagi ng lahat ng miyembro nito upang aamendahan ang Saligang Batas.

Matagal nang inaprubahan ng House of Representatives sa RBH 7 sa ikatlo at huling pagbasa nitong Marso. Ernie Reyes