Home NATIONWIDE Estafa case vs Delfin Lee, Globe Asiatique execs ibinasura ng korte sa...

Estafa case vs Delfin Lee, Globe Asiatique execs ibinasura ng korte sa Pampanga

197
0

MANILA, Philippines – Ibinasura ng korte sa Pampanga ang criminal case laban kay Globe Asiatique (GA) founder Delfin Lee at apat iba pang opisyal ng kompanya sa umano’y “ghost borrowers” scheme na nakakuha ng P6.6 bilyon ng housing loans mula sa Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG.

Sa 100 pahinang desisyon, pinagbigyan ng San Fernando, Pampanga Regional Trial Court (RTC) Branch 42 ang “demurrer to evidence” na inihain ni Lee; kanyang anak at GA executive vice president Dexter Lee; Christina Sagun, GA documentation department head; Cristina Salagan, GA accounting and finance department head; at Atty. Alex Alvarez, isang Pag-IBIG Fund lawyer na namuno sa foreclosure department nito.

“The prosecution failed to establish the elements of the crime of estafa under Article 315 (2)(a) of the RPC, or any lesser offense necessarily included therein, which warrants the dismissal of this criminal action on demurrer,” nakasaad sa ruling ng korte sa Pampanga na pinonente ni Presiding Judge Joel Bantasan.

Ang demurrer to evidence ay isang motion to dismiss na inihahain ng akusado matapos ang prosecution rests, sa ground na ang ebidensya ay kulang. Itinuturing na acquittal ang paggawad nito.

Nag-ugat ang kaso sa inihaing reklamo ng syndicated estafa sa Department of Justice (DOJ) noong 2011 laban kay Lee at apat iba pa na inakusahan ng panloloko sa mga miyembro ng PAG-IBIG sa housing loans na ginamit sa mga proyekto ng GA sa Bacolor at Mabalacat, Pampanga mula 2008 hanggang 2011.

Noong 2018, ibinaba ng Korte Suprema ang reklamo sa simple estafa at ni-remand ang kaso sa RTC, sa pagsasabing ang Pag-IBIG at hindi ang GA ang nag-solicit ng pondo mula sa publiko, na isang elemento sa pagpapanagot ng syndicated estafa.

Sa pagsusuri, napag-alaman ng RTC na “no sufficient evidence” na ang GA o ang mga akusadong indibidwal ang nag-solicit ng pondo sa illegal na paraan o nagtulak sa Pag-IBIG na maglabas ng P6.6 bilyong pondo sa pamamagitan ng fraud.

Kinontra rin sa ruling ng korte sa Pampanga ang claims ng “special buyer” scheme sa Xevera projects ng GA, sa pagkakaroon ng buyer-borrower records at kakulangan ng patunay na ang kompanya ay nagbayad ng premium o nagpasa ng aplikasyon para sa fictitious borrowers.

Sinabi ng RTC na ang umano’y contractual breaches ay hindi awtomatikong katumbas ng criminal fraud at napag-alaman na kulang sa patunay na si Alvarez ay sangkot sa estafa sa pagnonotaryo ng mga dokumento.

Tinukoy din ang disclosure at monitoring ni Lee ng nasa 1,000 questionable accounts, sa paglalarawan ng kanyang mga aksyon bilang “incongruous of a deceitful man deliberately committing fraud against Pag-IBIG.”

Malugod namang tinanggap ng abogado ni Lee na si Atty. Rony Garay ang desisyon ng korte. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here