Home METRO Estudyante arestado sa rape

Estudyante arestado sa rape

MANILA, Philippines- Arestado ang isang estudyante na itinuturing na Top 3 Most Wanted Person sa station level dahil sa kasong rape.

Sa ulat ng MPD-Station 12, naaresto ang akusado na itinago sa alyas na Eddie, 18 taong gulang mula Tondo, Maynila.

Siya ay nadakip sa kahabaan ng Gate 20 Parola Compound Brgy 20 Zone 2, Tondo, Manila sa bisa ng arrest warrant na inisyu ni Hon. Roy G Gironella, Presiding Judge, RTC Branch 43, Manila City.

Isinilbi ang warrant ng mga operatiba ng Warrant and Intelligence unit ng nasabing istasyon sa pangunguna ni PCpt Genesis C. Aliling.

Ang kasong kinahaharap ng akusado ay walang inirekomendang piyansa. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articlePag-atake ng Tsina sa PH vessels kinondena ng US
Next articleVoter registrants para sa 2025 elections halos 1M na – Comelec