Home NATIONWIDE Voter registrants para sa 2025 elections halos 1M na – Comelec

Voter registrants para sa 2025 elections halos 1M na – Comelec

MANILA, Philippines- Umabot na sa halos 1 milyong aplikante ang voters’ registration para sa May 2025 midterm polls mula nang umarangkada ang sign-up period tatlong linggo na ang nakalilipas.

Batay sa pinakabagong datos mula sa Commission on Elections (Comelec) hanggang nitong Martes, 910,918 na ang nagparehistro mula Feb. 12 hanggang March 4.

Naitala sa Calabarzon ang pinakamaraming bilang ng mga aplikante sa 165,702.

Sinundan ito ng National Capital Region sa 140,638; Central Luzon sa 98,976; Central Visayas sa 70,972; at Davao Region sa 55,315.

Pinakababa naman ang turnout sa Cordillera Administrative Region sa 10,346; Mimaropa sa 22,069; at Caraga sa 24,331.

Target ng poll body na makapagrehistro ng nasa 3 milyong botante sa seven-month voter registration period na matatapos sa Sept. 30.

Noong nakaraang linggo, sinabi ni Comelec chair George Garcia na ang bilang ng mga nagpaparehistrong botante ay “highly unusual and extraordinary.”

Iniugnay niya ito sa pagpapalawig ng Register Anywhere Program (RAP) sa buong bansa/

Maaaring magparehistro ang kwalipikading aplikante sa na naninirahan saan mang panig ng bansa sa RAP booths sa pamamagitan ng pagsusumite ng application form at documentary requirements at pagsasagawa ng biometrics sa mismong site. RNT/SA

Previous articleEstudyante arestado sa rape
Next articleKontaminadong tubig, food-borne illness cases sa gitna ng El Niño binabantayan ng DOH