Home METRO Estudyante binaril-patay habang nag-aaral sa loob ng bahay

Estudyante binaril-patay habang nag-aaral sa loob ng bahay

MANILA, Philippines – Patay ang isang 14-anyos na estudyante matapos barilin habang nag-aaral sa loob mismo ng kanyang bahay sa Talisay City, Cebu ng naka-maskarang suspek.

Iniimbestigahan na ng Talisay Police ang person of interest sa pagpatay at tinitignan ang posibilidad na may kaugnayan ang kaanak ng biktima sa illegal na droga.

Walang ideya ang ina ng biktima sa anumang naka-away ng anak na dalaga.

Sa salaysay ng pamangkin ng biktima, pwersahan umanong pumasok ang suspek sa kanilang bahay.

“Kumatok at hindi nila binuksan, tinadyakan ang pinto. Tinutukan, walang makikita na mukha dahil nakamask,” ayon sa ina ng biktima.

Sinusuri na ng pulisya ang CCTV footage sa lugar para sa agarang ikareresolba ng krimen. RNT/JGC