Home NATIONWIDE DOLE may-alok na libreng sakay sa LRT2, MRT3 sa Labor Day

DOLE may-alok na libreng sakay sa LRT2, MRT3 sa Labor Day

MANILA, Philippines – Makatatanggap ng libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT2) at Metro Rail Transit Line 3 (MRT 3) ang mga manggagawa sa Mayo 1, Labor Day.

Sa anunsyo nitong Biyernes, Abril 26, sinabi ng Department of Labor and Employment (DOLE) na magbibigay ito ng libreng sakay para sa mga manggagawa sa Miyerkules. Ito ay sa pakikipagtulungan sa Department of Transportation.

Ang libreng sakay ay mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga, at alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.

“Ipakita lamang ang inyong company ID (or government-issued ID para sa mga edad 18 pataas)” ayon sa DOLE. RNT/JGC