Home METRO #WalangPasok ngayong Sabado, Abril 27, 2024 sa init ng panahon

#WalangPasok ngayong Sabado, Abril 27, 2024 sa init ng panahon

MANILA, Philippines – Nag-anunsyo ng suspensyon sa face-to-face classes ang lokal na pamahalaan ng Maynila sa mga pampublikong paaralan ngayong Sabado, Abril 27.

Ito ay dahil sa inaasahang dangerous levels ng heat index sa lungsod.

Sa anunsyo, sinabi ng Manila Public Information Office na maaari ring magsuspinde ng pasok ang mga pamunuan ng pribadong paaralan.

Dahil dito, ang mga pampublikong paaralan sa Maynila ay inabisuhan na lumipat muna sa “any alternative learning modality.” RNT/JGC