Home ENTERTAINMENT Angelica, ipinamana na ang korona ng Patron ng mga Sawi!

Angelica, ipinamana na ang korona ng Patron ng mga Sawi!

Manila, Philippines – Baka by now ay fully recovered na ang second time Mrs. Gregg Homan na si Angelica Panganiban after their recent beach wedding in Siargao.

It will be remembered na ikinasal muna sina Angelica at Gregg under civil rites sa Amerika New Year’s eve last year.

As of nitong mga nagdaang araw, the Kapamilya actress had yet to move on–base sa kanyang social media post–from a three-day nonstop party on the island.

Without a doubt, walang paglagyan ang nadaramang nag-uumapaw na kaligayahan ni Angelica.

Utang daw niya yon sa kanyang mismong kabiyak na tumapos sa kanyang “sad girl era.”

Para sa kaalaman ng lahat, si Angelica ang itinuturing na “patron saint of the brokenhearted.”

Kaya naman sa mismong araw ng kanyang kasal, buong ningning niyang inanunsyo na: “The patron saint of the brokenhearted is finally signing off!”

Angelica didn’t stop there though: “Sino’ng gustong sumalo ng korona?”

But of course, none of her single friends ever would.

Samantala, hindi kumpleto ang espesyal na araw na ‘yon sa buhay ni Angelica without her appreciation post for long-time friend Glaiza de Castro.

Ang Kapuso actress ang tumayong maiden of honor sa kasal.

Ani Angelica, kung dati-rati raw ay naghahatiran sila ni Glaiza sa kani-kanilang bahay sa takot na kagalitan ng kanilang mga magulang, who’d ever think na maghahatiran sila nito sa isa’t isa sa altar?

With Glaiza raw, para kay Angelica ay itinaas nito ang standard ng isang ideal best friend.

Maitatanong lang: totoo nga ba ang tsika–base sa convo nina Angelica at Judy Ann Santos–na may kasunod na si Amila Sabine a.k.a. Baby Bean? Ronnie Carrasco III