Home METRO Estudyante kulong sa P1.2 M-marijuana

Estudyante kulong sa P1.2 M-marijuana

ISABELA – Inaresto ng pulisya ang isang 21-anyos na estudyante sa isang buy-bust operation sa Quezon, Isabela noong Linggo, Marso 17.

Kinilala ang suspek sa alyas na Kring-Kring, itinuturing na high-value drug personality at residente ng Barangay Agbannawag, Tabuk City, Kalinga.

Narekober mula sa suspek ang pitong plastic bag na naglalaman ng pinatuyong dahon ng marijuana na tumitimbang ng 10 kilo na tinatayang nagkakahalaga ng P1.2 milyon, isang motorsiklo, isang cellphone, at ang marked money.

Nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at nahaharap sa kasong may kinalaman sa droga. RNT

Previous articleBangkay ng lalaking hinihinalang magnanakaw ibinilad sa puno
Next article2-anyos hinigop ng irigasyon sa Abra, patay!