Home METRO 2-anyos hinigop ng irigasyon sa Abra, patay!

2-anyos hinigop ng irigasyon sa Abra, patay!

TAYUM, Abra – Patay ang dalawang taong gulang na bata matapos na malunod sa isang irrigation canal sa Barangay Gaddani dito noong Linggo, Marso 17.

Kinilala ng Tayum police station, ang biktima na si Prince Wayne German.

Huling nakita ang bata nang tawagin siya ng kanyang lola para maghugas ng paa noong Linggo, Marso 17.

Hindi nakita si German sa kanilang bahay malapit sa isang irigasyon kaya nag-report na ang kanyang mga kamag-anak sa pulisya.

Natagpuan ang bangkay ng biktima matapos maubos ang tubig mula sa kanal.

Sinabi ng pulisya na maaaring nadulas si German at nalunod sa kanal. RNT

Previous articleEstudyante kulong sa P1.2 M-marijuana
Next articleGrade 12 utas sa tuklaw ng kobra