Home NATIONWIDE Paggamit ng water cannon ng CCG, isang grey zone tactic – security...

Paggamit ng water cannon ng CCG, isang grey zone tactic – security expert

MANILA, Philippines – Sinabi ng isang security expert na isang grey zone tactic — o mapilit na aksyon sa ilalim ng paggamit ng puwersang militar — upang ipatupad ang maritime claims nito ang paggamit ng China ng mga water cannon laban sa mas maliit na sasakyang pandagat sa panahon ng kamakailang resupply mission sa West Philippine Sea.

Ayon kay Ray Powell, na nanguna sa Project Myoushu (South China Sea) at Stanford University, na ang pambobomba ng water cannon ng China Coast Guard (CCG) sa Philippine vessels, tulad ng nangyari sa Ayungin (Second Thomas) Shoal noong Agosto 5, ay nagpapakita rin ng “diskarte… ng Tsina na ipagkait sa [Philippines ang] kakayahan na ayusin o palitan ang nasisira na barko hanggang sa masira ito.

Tinutukoy ng eksperto ang BRP Sierra Madre, isang barkong pandigma sa panahon ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig na isinadsad ng Pilipinas noong 1999 upang ipagtataka ang pag-angkin nito sa lugar ng Ayungin Shoal, na nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa.

Nitong Martes muling hinikayat ng Beijing ang Pilipinas na alisin ang nasabing barko.

Ayon kay Philippine Coast Guard (PCG) spokesperson Commodore Jay Tarriela,
ang mga barko ay nilagyan ng mga water cannon para sa pagtugon sa mga insidente ng sunog sa dagat.

Ngunit ginamit aniya ito ng CCG para mang-harass.

“We’re not going to react to whatever aggressive behavior that the Chinese has been doing against the PCG vessels and we abide by the rules-based order… For us, water cannons are only used for firefighting,” sabi ni Tarriela

Sinabi ni Tarriela na ang mga bangkang ginagamit para sa supply run ng Navy — na gawa sa magaan na materyales — ay maaaring masira nang husto o maaaring tumaob kung direktang tamaan ng mga water cannon.

Samantala, sinabi ni Speaker Martin Romualdez noong Martes na susuportahan ng Kapulungan ng mga Kinatawan ang pagtaas ng paggasta sa depensa sa panukalang pambansang badyet para sa 2024.

Ang proposed budget sa susunod na taon ay may alokasyon na P282.7 bilyon para sa depensa, na mas mataas sa P203.4 bilyon sa 2023 budget at kumakatawan sa 21.6 percent ng proposed P5.768-trillion budget para sa susunod na taon. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleACT sa DepEd: Bayanihan ‘wag gawing dahilan sa pagpapabaya sa Brigada Eskwela
Next article3 barangay sa Parañaque kinilala ng DILG