Home NATIONWIDE Cross deck landing chopper exercise idinaos ng PH, US at France sa...

Cross deck landing chopper exercise idinaos ng PH, US at France sa Balikatan

MANILA, Philippines – Isinaawa ang cross deck landing o paglipad ng helicopter ng isang navy patungo sa kaalyadong navy, bilang bahagi ng Balikatan 2024 sa pagitan ng Pilipinas, Estados Unidos at France.

Sa naturang exercise, lumipad ang Agusta Westland helicopter ng Philippine Navy mula BRP Ramon Alcaraz at lumapag sa kinaroroonan ng BRP Davao Del Sur para sa simulation ng isang casualty evacuation.

May simulation din kung saan mula sa ibang barko ay inilipad naman sa isa pang barko ang sundalo para sa medical evacuation.

Sa unang pagkakataon ay nagtouch and go sa BRP Davao del Sur ang Airbus helicopter ng French Frigate na Vendemiare.

Ang naturang exercise ay nagpapakita umano ng kahandaan na tumanggap ang Pilipinas ng air assets ng mga kaalyado.

Samantala, nakiisa rin sa cross deck landing exercise ang LSD Harpers Perry ng Amerika. RNT/JGC