Home METRO SB member sa Isabela huli sa pagbebenta ng mga baril

SB member sa Isabela huli sa pagbebenta ng mga baril

LUNA, Isabela – Hindi na nakapalag sa mga otoridad ang isang Sangguniang Bayan Member sa Luna, Isabela matapos mahuli sa Entrapment Operation sa Barangay Bustamante dito sa nasabing bayan.

Sa ipinarating na ulat kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO ang suspek ay kinilalang si Sangguniang Bayan member Bayani Agustin, 49-anyos, may asawa at residente ng Lalug 1, Luna, Isabela.

Narekober mula sa pag-iingat ng nasabing opisyal ng bayan ang isang Shotgun Squires Bingham; isang Caliber 45 Armscor; 6 na bala ng 12 gauge shotgun; isang magazine ng Caliber 45 pistol; 7 bala ng caliber 45; isang holster na para sa Cal. 45 pistol; isang pouch; One Thousand peso bill na entrapment money; 27 piraso ng One-Thousand boodle money; isang SUV; at isang cellphone.

Agad isinailalim sa inquest proceeding ang naturang SB member at nag-ugat ang kanyang pagkakahuli matapos may nagbigay ng impormasyon na magbebenta siya ng baril.

Agad na nagsagawa ng operasyon ang mga otoridad at wala umanong maipakitang dokumento ang suspek.

Nakatakdang magsasagawa sila ng beripikasyon sa Regional Civil Security Unit kung may dokumento ang naturang mga baril.

Pansamantala nasa pangangalaga na pulisya ang naturang SB member at nakatakdang isailalim ang mga baril sa ballistic examination.

Samantala, tikom ang bibig ni Mayor Adrian Leandro Tio matapos mahuli ang kanyang S.B Member sa pagbebenta ng mga baril. Rey Velasco