LAGUNA, Philippines – Bangkay na nang matagpuan ang isang 18 anyos na estudyante matapos itong magbigti kagabi sa loob ng inuupahan nitong Apartment sa San Isidro Heights, Barangay San Isidro sa lunsod ng Cabuyao, Laguna.
Ang biktima na kinilala sa alyas JR 18, binata, estudyante, tubong Guiniyangan, Quezon, pansamantalang naninirahan sa nabanggit na lunsod.
Batay sa insyal na pagsisiyasat ng Cabuyao Component City Police Station, dakong alas- 11:50 kagabi nang matagpuan ang biktima, makaraang magreklamo ang isang tenant ng naturang Apartment sa Landlord kung saan mayroong masangsang na amoy na nagmumula umano sa unit ng biktima.
Napag-alaman na kaagad na tumawag ng security guard ang landlord kung saan natagpuan ang nasabing estudyante (biktima) na nakabigti sa kisame gamit ang isang nylon rope sa pagpapatiwakal nito.
Nabatid sa pagsisiyasat ng pulisya sa pinangyarihan ng insidente kung saan mayroon umanong natagpuan sa nasabing lugar na suicide note na pansamantalang hindi binanggit kung ano ang nakasulat bukod dito wala umanong nakitang indikasyon na nagkaroon ng struggle or foul play sa pagkasawi ng biktima. /Ellen Apostol