Home METRO 31 turista stranded sa Batanes, dahil sa masamang panahon

31 turista stranded sa Batanes, dahil sa masamang panahon

1
0

BATANES, Philippines – Umabot sa 31 turista ang kasalukuyang nai-stranded na halos tatlong linggo ng walang biyahe ng eroplano sa Batanes dahil sa masamang panahon dulot ng Habagat.

Ayon sa Provincial Disaster Risk Reduction and Management ay apektado rin ang libu-libong pasaherong kabilang ang tatlumpo’t isang turista na stranded ngayon sa probinsya.

Binigyan naman sila ng libreng pagkain, gamot, pansamantalang matutuluyan at cash assistance ng pamahalaang panlalawigan at DSWD.

Sa ngayon ay nakikipag-ugnayan ang pamahalaang panlalawigan sa Office of Civil Defense at Armed Forces of the Philippines para sa hiling na mission flight papuntang Batanes.

Katamtaman hanggang sa maalon din ang karagatan kaya naman mahigpit na ipinagbabawal ang paglalayag at pagpalaot ng mga mangingisda.

Sa ngayon ay nadaraanan pa naman ang lahat ng pangunahing kalsada at tulay at masuwerte wala naitatalang landslide, pagbaha, o inilikas na mga residente sa anim na munisipyo.

Naka-preposition na ang mga family food packs at emergency non-food items sa mga municipal warehouses.

Tiniyak ng PDRRMO Batanes na patuloy silang nakaalerto sa posibleng epekto ng masamang panahon. (REY VELASCO)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here