Home METRO Estudyante utas sa concrete post

Estudyante utas sa concrete post

ILOCOS SUR-Kamatayan ang sumalubong sa isang 21-anyos na lalaki matapos bumangga sa concrete post ang minamaneho nitong motorsiklo sa Brgy. Darapidap, Candon City ng lalawigang ito kagabi, Pebrero 24.

Ayon sa mga otoridad, ang biktima ay isang estudyante, residente ng Tagudin, Ilocos Sur.

Minamaneho ng biktima ang kulay black grey Yamaha Aerox at mabilis ang takbong papunta sa kanlurang direksyon sa Darapidap Road nang biglang mawalan ng kontrol sa manibela ng sasakyan ang driver hanggang sa bumangga ang motorsiklo sa sementadong poste na nasa tabi ng daan.

Resulta nito, nagtamo ng head injury at multiple fractures ang biktima na agad isinugod sa Candon City Hospital ng mga rumespondeng PNP at BFP personnel.

Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead on arrival ng umatending doktor. Rolando S. Gamoso