Home METRO Estudyanteng nagbibisikleta sinuwag ng PUB, dedo!

Estudyanteng nagbibisikleta sinuwag ng PUB, dedo!

189
0

LA UNION, Philippines – Patay ang isang nagbibiseklitang estudyante matapos mabangga ng PUB sa McArthur Highway, Brgy. San Eugenio, Aringay  ng lalawigang  ito kahapon, Oktubre 5.

Ayon sa Aringay MPS, ang namatay na estudyante ay isang lalaki, menor de edad, nag-aaral sa Aringay National High School, residente ng naturang bayan.

Ang kulay pink na PUB na nakabangga sa estudyanteng nabibidseklita ay minamaneho ng 44-anyos na lalaki,  may asawa, residente ng Norzagaray, Bulacan.

Parehong bumibiyahe papuntang hilagang direksyon ang siklista at ang PUB.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente, tinangka ng PUB na unahan ang estudyanteng nagbibiseklita gamit ang outer lane ngunit habang ginagawa niya ito ay aksidente nitong nabangga ang siklista.

Resulta nito, nagtamo ng mga sugat ang siklista na agad isinugod sa LUMC sa Agoo, La Union.

Gayunman, hindi na nagawang isalba pa ng umatending doktor ang biktima. Rolando S. Gamoso

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here