Home METRO Estudyanteng tulak ng droga, timbog

Estudyanteng tulak ng droga, timbog

224
0

CAUAYAN CITY, Isabela – Bumagsak sa kamay ng pulisya ang isang estudyante na kabilang sa Street Level Individual o SLI sa isinagawang drug buybust operation sa Brgy. San Fermin, Cauayan City Isabela.

Sa ipinarating na ulat ni PLtCol. Avelino Canceran Jr., hepe ng Cauayan City Component Police Station kay PCol. Lee Allen B. Bauding, Provincial Director ng Isabela Police Provincial Office o IPPO sa pinaigting na kampanya laban sa illegal drugs ay matagumpay na naaresto ang suspek na si alyas “Ando,” 21 taong gulang, binata, estudyante, at residente ng Brgy. San Placedo, Roxas, Isabela.

Ang operasyon ay pinangunahan ng mga opearatiba ng CDEU Cauayan CCPS, katuwang ang RMU2, PDEU/PIU-IPPO, RIU2-PIT Isabela East, at PDEA Isabela sa ilalim ng koordinasyon ng PDEA RO2.

Nakumpiska sa operasyon ang Isang (1) piraso ng maliit na heat-sealed plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu (buy-bust item) Isang (1) piraso ng medium empty transparent plastic; Isang (1) piraso ng genuine Php 500.00-peso bill (buy-bust money, Isang (1) yunit ng kulay itim na keypad Samsung cellphone; at Isang (1) piraso ng stainless folded knife.

Nahaharap ang suspek sa kasong R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here