MANILA, Philippines- Matinding binatikos ni Senador Grace Poe ang eTravel System ng gobyerno dahil masyadong masalimuot ang sistema na nagpapahirap sa aplikante o manlalakbay sa pagpaparehistro.
Sinabi ni Poe, chairman ng Senate committee on finance, na kahit maganda ang intensyon, dapat magkaroon ng pagbabago ang eTravel system para sa pasahero na dumarating at umaalis ng Pilipinas upang maiwasan ang “kanilang paghihirap.”
Ayon kay Poe, maraming reklamo ang naitala kung paano mapagod o ma-stress ang maraming pasahero kung paano tutugunan ang masalimuot at mahabang panahon sa paglalagay ng requirements.
“Both the internet-savvy and the technogically-challenged have complained about accessing the app and the too many details to be filled out to complete the process,” ayon kay Poe.
Bukod sa mahirap at maraming pangangailangan na ibibigay sa sistema, marami pang isyu tulad ng kawalan ng internet sa gumagamit sa loob ng paliparan sanhi ng mabagal na koneksyon.
Aniya, kailangan ng tulong ng Bureau of Immigration mula sa Department of Information and Communications Technology upan maging mas epektibo ang kanilang digital data collection platform at maging “hassle-free.”
“Let’s have an eTravel System that’s secure, user-friendly and one that allows legitimate visitors to enter and leave the country in a breeze,” ayon kay Poe. Ernie Reyes