Home SPORTS Eumir Marcial out na sa Olympic, tinalo ni Khabibullaev

Eumir Marcial out na sa Olympic, tinalo ni Khabibullaev

137
0

Halos maiyak si Eumir Marcial matapos ang kanyang nakakagulat na pagkatanggal sa 2024 Paris Olympics ngayong Miyerkules ng umaga (Oras sa Pilipinas)

Nasibak sa round of 16 ang bronze medalist ng Tokyo Olympics nang manalo si Turabek Khabibullaev ng Uzbekistan sa pamamagitan ng unanimous decision sa men’s 80kg division ng Summer Games.

Sa kanyang pagharap sa mga miyembro ng Philippine Olympic Committee media, sinabi ni Marcial na hindi pa siya nakakapagdesisyon kung ano ang susunod na hakbang sa kanyang boxing career.

“‘Sana po, ‘yung mga Pilipinong naniniwala pa rin sa akin, sana tulungan n’yo ako ulit na bumangon at magsisimula ulit, kung sa professional career ko ba o mag-Olympics ako ulit,” ani Marcial.

“Mahirap po, sa sarili ko ngayon hindi ko alam saan ako magsisimula ulit pero alam ko nandiyan ang mga Pilipino na sumusuporta sa akin at ang pamilya ko, asawa ko.”

Inamin ni Marcial na ang wala sa kanyang natural weight class at ang height advantage ng Uzbek fighter ay maaaring ituring na mga dahilan sa pagkatalo, ngunit hindi siya nagbigay ng dahilan sa nangyari.

 “Mayroon pong disadvantage ‘yun pero ‘di ko sasabihin ‘yun para gagawa ng excuse kung bakit ‘di ako nanalo. Siguro talagang hindi para sa akin at mayroong pagkukulang, o may plano ang Panginoon para sa akin.”

Sa  Tokyo, lumaban si Marcial sa middleweight division.

Nagsagawa rin ng pro debut ang Pinoy boxer noong Disyembre 2020 at may 5-0 record.JC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here