Home METRO Evacuation center sa Davao del Norte, binaha na rin

Evacuation center sa Davao del Norte, binaha na rin

MANILA, Philippines – Pinasok na rin ng baha ang isang evacuation center sa Carmen, Davao del Norte.

Ito ay kasunod ng tuloy-tuloy na malalakas na pag-ulan sa Mindanao na nagdulot ng malawakan at matitinding pagbaha.

Dahil dito ay napilitan ang mga evacuees na tumutuloy sa evacuation center ng naturang bayan na lumikas ulit at magtungo naman sa municipal hall.

Kasabay nito, lubog din sa baha ang national highway sa lugar kaya’t stranded din ang mga biyahero na patungo sa iba pang probinsya gaya ng Davao Oriental, Davao de Oro at Caraga region.

Bukod sa Carmen, lubog din sa baha ang mga bayan ng Braulio E. Dujali, New Corella, Kapalong, Asuncion, at Tagum City, sa kaparehong probinsya.

Aabot na sa 110,000 pamilya ang apektado ng pagbaha sa Davao del Norte. RNT/JGC