Home METRO Ex-Army reservist, 2 pa tiklo sa ilegal na pagbebenta ng baril

Ex-Army reservist, 2 pa tiklo sa ilegal na pagbebenta ng baril

MANILA, Philippines- Arestado ang dating Philippine Army reservist at dalawa pa sa ilegal na pagbebenta ng baril.

Ayon sa ulat nitong Biyernes, nadakip ang tatlong suspek sa magkahiwalay na operasyon sa Pasig City. 

Nasamsam ng mga pulis ang .45 baril at isang riple na ilegal na ibinebenta ng mga suspek.

Isa sa mga naarestong suspek ay dating Army reservist na nag-AWOL. 

“Napagalaman na natin na isa na pala siyang AWOL na reservist ng Philippine Army. Ang ginagawa nilang transaction is more on online. Napagalaman natin na wala po siyang legal na papeles,” pahayag ni Eastern Police District-District Mobile Force Battalion spokesperson Police Captain Christopher Ian Bugtong.

Samantala, naaresto ang isa pang suspek sa pagnanakaw ng shotgun mula sa isang security guard na nakatulog. Natunton ng mga awtoridad ang suspek dahil sa isang CCTV footage. 

“It’s very important to recover this firearm because it might be used for criminal activities,”  pahayag ni EPD director Brigadier General Wilson Asueta.

Tumanggi namang magbigay ng komento ang tatlo hinggil sa isyu.

Samantala, pinapayuhan ng EPD ang publiko na bumili lamang ng baril mula sa mga awtorisadong dealer. RNT/SA