Home ENTERTAINMENT SPEEd, babawi kay Eva!

SPEEd, babawi kay Eva!

Manila, Philippines- Kung pambabastos ang inabot ni Eva Darren bilang dapat sana’y award presenter sa nakaraang 72ng Famas ay gagawaran naman siya ng natatanging parangal sa Eddy’s ng grupong SPEEd.

Isa si Eva sa lima at isang director-producer na hihiranging Movie Icons sa awards night na nakatakdang idaos sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom sa Pasay City sa July 7.

Ang iba pang tatanggap ng natatanging pagkakilala ay ang yumaong director-producer na si Carlo J. Caparas.

Other awardees include Leo Martinez, Nova Villa, Gina Alajar and Senator Lito Lapid.

Taong 1960 nang magsimula ang karera ni Eva sa showbiz.

Taong 1969 naman nang tanggapin niya ang kauna-unahang Best Supporting Actress trophy mula sa Famas para sa pelikulang Ang Pulubi na pinagbidahan ni Charito Solis.

Many years later, Eva clinched her second award for the same category for the movie Ligaya ang Itawag sa Akin tampok si Rosanna Roces.

Nitong nakaraang Famas, Eva was supposed to co-present a special citation award along with Tirso Cruz III.

Pero last minute ay pinalitan siya ng baguhang singer na si Sheena Feldon sa dahilang ayon sa mismong pamunuan ng Famas ay hindi raw mahagilap ang beteranang aktres.

Inalmahan ng kanyang anak ang pambabastos kay Eva na bumili pa raw ng damit na isusuot at nagpa-parlor bitbit ang tatlong apo pero ‘yun lang daw pala ang mahihita.

Bale ba, si Eva pa ang nagbayad ng kanilang dinner sa Manila Hotel na P5000 kada serving.

Nagpaliwanag na ang Famas event director na si Vince Tañada pero sabi nga ng nakakarami: “The harm has already been done” sa kabila ng pangako ng pamunuan na personal nilang dadalawin si Eva “to make amends.”

Samantala, sana’y itinodo na ng SPEEd ang pagiging consistent sa ikapitong edisyon ng Eddy’s.

Sa ikapitong araw kasi ng ikapitong buwan (July 7) idaraos ito, sana raw ay ginawa na ring pito ang pararangalang Movie Icons.

For this year’s exercise onwards, ang tropeo ng Eddy’s ay espesyal na dinisenyo ni Leandro Baldemor.

To the awardees, congratulations and to SPEEd, Godspeed! Ronnie Carrasco III