Home NATIONWIDE Plain packaging ng yosi, vape binubusisi

Plain packaging ng yosi, vape binubusisi

MANILA Philippines- Sinabi ng Department of Health nitong Biyernes na tinitingnan nito ang standardized o plain packaging para sa mga sigarilyo at vape products upang mabawasan ang bilang ng mga gumagamit ng vape, lalo na sa mga kabataan.

“We have always wanted plain packaging; we don’t even want graphic warnings. We don’t want colors, we want them to be plain,” pahayag ni DOH Assistant  Secretary Albert Domingo sa media forum.

Binanggit ni Domingo na ang pagkakaroon ng plain packaging ay sa pagiging kaakit-akit ng produkto.

“This is the standard na plain packaging kasi pag nilagyan mo ng warning, e  parang sinabi mo na may basbas pa. But then again, ang DOH po ay  sumusunod sa batas na aming ginawa. Kaya kami po ay humihiling na  i-amend ang Graphic Health Warnings Law,” sabi ni Domingo.

Samantala, sinabi ni Action on Smoking and Health  Philippines (ASH) Executive Director and Philippine College of  Physicians President Dr. Maricar Limpin na ilang medical associations ang nagtutulak para sa standardized packaging.

Idinagdag pa na suportado nito ang plain packaging sa vape products.

“Pero kailangan nandon pa rin yung picture ng mga sakit na maaring makuha (sa pag-gamit). Yung picture should be seen at sana mas malaki. So we are  aiming for an 80% na mao-occupy nung health warning na nasa taas. Yan po sana yung pinupush naming amendment,” ani Dr. Limpin.

Batay sa isang survey na kinuha ng Southeast Asia Tobacco Control Alliance (SEATCA) noong 2022, ang Pilipinas ay kabilang sa ilang mga bansang ASEAN na may pinakamaliit na graphic na babala sa kalusugan, na sumasaklaw lamang sa 50% ng packaging.

Ang Pilipinas din ang tanging bansa na ang mga babala ay nakalagay sa ilalim ng pakete ng sigarilyo.

Sa isang hiwalay na panayam, nanawagan ang non-government organization Health Justice Philippines sa Food and Drug Administration na manguna sa pag-regulate sa nasabing mga produkto.

“We respect that the DTI is leading the regulation of vapor products. But that is something that we need to consider and seriously make the FDA be involved in regulating this,” sinabi ni Health Justice Philippines Managing Director Ralph Degollacion.

Ang plain packaging bill (Senate Bill No.2191) sa Pilipinas ay inhain sa Senado noong Marso 2019, ngunit hindi ito naipasa. Jocelyn Tabangcura-Domenden