Home HOME BANNER STORY Luzon Grid isasailalim sa yellow alert ngayong Sabado

Luzon Grid isasailalim sa yellow alert ngayong Sabado

MANILA, Philippines- Isasailalim ang Luzon Grid sa yellow alert ngayong Sabado ng gabi sa gitna ng forced outage ng ilang power plants nito at pagsasagawa ng operasyon sa derated capacities, base sa National Grid Corporation of the Philippines (NGCP).

Sa abiso, sinabi ng NGCP na ipatutupad ang yellow alert mula alas-8 hanggang alas-10 ng gabi, nangangahulugang hindi sapat ang operating margin upang tugunan ang contingency requirement ng transmission grid.

Ang available capacity ng grid ay 13,497 megawatts (MW), subalit aabot ang peak demand sa12,278 MW.

“2 plants have been on forced outage since 2023, 3 between January and March 2024, and 13 power plants between April and May 2024; while 8 are running on derated capacities, for a total of 3,482.3MW unavailable to the grid,” anang NGCP.

Binanggit din ng ahensya ang ilan pang dahilan sa paglalagay sa power transmission ng Luzon sa ilalim ng yellow alert:

Forced outage sa mga sumusunod na planta: Kalayaan 1 (180MW), 3 (180MW),  Angat Main (200MW), QPPL (460MW), Pagbilao 1 (382MW), at 2 (382MW)

Subalit, tiniyak ng grid operator sa publiko na normal ang operasyon sa Visayas at Mindanao grids. RNT/SA