Home METRO Ex-barangay chairman todas sa pamamaril

Ex-barangay chairman todas sa pamamaril

ZAMBOANGA CITY- Patay sa pamamaril ang isang dating barangay captain at kanyang kasamahan sa Indanan, Sulu nitong Sabado.

Kinilala ng mga pulis ang mga biktima na sina Faizal Ibrahim Biao, dating barangay captain ng Kandaga, Talipao, Sulu, at Fadjiri Abdurajan Biao.  

Batay sa imbestigasyon, nakasakay ng motorsiklo ang mga biktima mula Jolo, Sulu patungo sa Barangay Kandaga sa Talipao nang pagbabarilin sila ng mga armadong kalalakihan sakay ng kotse gamit ang M16 rifle.

Nagtamo ng mga tama ng baril ang mga biktima at agad na binawian ng buhay.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad. RNT/SA