MANILA, Philippines- Sinabi ni dating Commission on Elections Chairman Andres Bautista nitong Biyernes na ipaglalaban niya ang kanyang exonoration sa korte matapos siyang kasuhan sa US Federal sa umano’y panunuhol.
Sa isang post sa X, sinabi ni Bautista na ang mga paratang laban sa kanya ay naimpluwensyahan umano ng politika ng mga pangunahing opisyal ng Pilipinas.
Inilabas ni Bautista ang pahayag matapos siyang kasuhan ng US federal grand jury sa Florida sa umano’y panunuhol mula sa kompanyang nagbigay ng mga voting machine para sa 2016 election sa Pilipinas.
Sinabi ng US Justice Department na si Bautista ay nahaharap ng isang bilang ng pagsasabwatan sa money laundering at tatlong bilang ng international laundering of money intruments.
Tatlong executives ng voting machines ang kinasuhan din sa kanilang naging papel sa umano’y panunuhol at money laundering scheme upang mapanatili at makakuha ng negosyo na may kaugnayan sa 2016 Philippine elections.
Binanggit sa akusasyon na sa pagitan ng 2015 at 2018, sina Pinate, Jorge Miguel Vasquez, 62, at iba pa ay “nagsuhol” ng bababa sa $1 milyon kay Bautista.
Sina Pinate at Vasquez ay sinampahan ng tig-isang count ng conspiracy sa paglabag sa Foreign Corrupt Practices Act (FCPA).
Tulad nina Bautista, sina Pinate, Vasquez, at Elie Moreno, 44, isang dual citizen ng Venezuela at Israel, ay kinasuhan din ng one count of conspiracy to commit money laundering at tatlong counts ng international laundering of monetary instruments.
Kung napatunayang nagkasala, sinabi ng departamento, sina Pinate at Vasquez ay nahaharap sa maximum na parusang limang taon sa pagkakabilanggo para sa FCPA at pagsasabwatan na lumabag sa mga bilang ng FCPA.
Sina Bautista, Pinate, Vasquez, at Moreno, bawat isa ay nahaharap sa maximum na parusang 20 taon para sa bawat bilang ng international laundering of monetary instruments at conspiracy to commit money laundering. Jocelyn Tabangcura-Domenden