Home NATIONWIDE Pagkuha ng video ng intern sa nag-flatline na pasyente ikinabahala ni Laguesma

Pagkuha ng video ng intern sa nag-flatline na pasyente ikinabahala ni Laguesma

MANILA, Philippines- Nagpahayag ng pagkabahala si Labor Secretary Bienvenido Laguesma sa isang video na lumabas na nagpapakita ng isang medical intern na kumukuha umano ng video kung saan sinabing nagre-record siya ng patient na nagpa-flatline–nagpapahiwatig ng posibleng kamatayan—sa ospital kung saan siya nag-intern.

Sinabi ni Labor Undersecretary Benjo Benavidez na ang pamunuan ay may prerogative na maglatag ng mga alituntunin sa asal ng mga empleyado.

Sinabi rin ng kalihim ang pangangailangan na maging maagap sa pagtingin kung ang ilang pag-uugali ay lumampas sa mga itinakda ng mga patakaran at polisiya.

“Dapat po may mga limitasyon din sa lugar po ng pagawan nang sa ganoon ang exercise po ng ating karapatan ay hindi rin po nakakaapak sa karapatan po ng iba,” sabi ni Benavidez.

Nabanggit din ni Laguesma na ang ilang mga propesyon ay napapailalim sa code of ethics at ang mga lisensyadong manggagawa ay maaaring panagutin ayon sa mga tuntunin ng kanilang propesyon. Jocelyn Tabangcura-Domenden