Home METRO Ex-convict binaril-patay

Ex-convict binaril-patay

CEBU CITY- HINDI inakala ng isang ex-convict na ang paglabas nito ng kulungan ang maging sanhi ng kanyang kamatayan matapos barilin ng hindi pa kilalang suspek habang ang una ay sakay ng motorsiklo, iniulat kahapon, Nobyembre 10 sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si John Mike Semblante, 21, residente sa Barangay Tipolo, Mandaue Cebu.

Batay sa report ng Cebu City Police Office, babdang 2:50 AM nitong Linggo, Nobyembre 10, 2024, naganap ang krimen sa kahabaan ng General Maxilom Avenue Barangay Kamputhaw, Cebu City.

Lumabas sa paunang imbestigasyon ng pulisya, galing sa isang inuman ang biktima kasama ang mga kaibigan at pauwi na sana ang mga ito sakay ng motorsiklo na minamaneho ng biktima.

Habang nakahinto ang mga ito sa stop light bigla na lamang bumaba ang gunman sa minivan na kulay green na armado ng baril at pinaputukan ang biktima na tinamaan sa tiyan.

Matapos ang krimen mabilis na sumibad ang mga ito sa hindi malamang direksyon.

Aminado naman ang ina ng suspek na kalalabas lamang ng kulungan ang anak sa kasong iligal na droga.

Inaalam na ngayon ng mga awtoridad na tunay na motibo sa krimen at pagkakakilanlan sa suspek para sa agaran pagdakip. Mary Anne Sapico