Home NATIONWIDE P708K marijuana nasabat sa Clark

P708K marijuana nasabat sa Clark

MANILA, Philippines – Nasabat ng mga awtoridad ang nasa P708,000 halaga ng high-grade “Kush” marijuana na itinago sa mga pares ng pantalon sa Clark, Pampanga.

Sa pahayag, sinabi ng Bureau of Customs na itinago ang 472 gramo ng kush sa mga kargamentong idineklarang “Mens Vintage Threads Jean Straight Leg Fit (30/34) Girls” na dumating noong Oktubre 25.

Ang kargamento ay napansin sa X-ray Inspection Project ng BOC matapos makapagtala ng “unusual images.”

Kinumpirma rin ito ng K-9 unit na sumuri sa presensya ng illegal substance.

Ayon sa BOC, nagsagawa ito ng physical examination sa pakikipag-ugnayan sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), Philippine National Police – Aviation Security Group, National Bureau of Investigation Pampanga District Office, Department of Justice, at mga opisyal ng Barangay Dau sa Mabalacat City.

Sinabi ng BOC na nadiskubre sa pagsusuri ang “two pieces of black and transparent plastic pouch containing two pieces of plastic wrapped with yellow-orange jelly-like textures suspected to be marijuana derivatives, and one (1) piece of transparent plastic couch containing 472 grams of fruiting tops suspected to be high-grade marijuana.”

Inisyu ang warrant to seize and detain ng kargamento matapos na maipada ang mga sample sa PDEA para sa chemical analysis at makumpirma ang mga ito bilang “tetrahydrocannabinol and marijuana (Kush)”. RNT/JGC