MANILA, Philippines – Inatasan ng Ilocos Regional Disaster Risk Reduction and Management Council (RDRRMC) ang mga local disaster risk reduction and management offices (LDRRMO) sa rehiyon na agad na magpatupad ng precautionary measures sa posibilidad na storm surge na idudulot ng Bagyong Nika.
Sinabi ni Office of the Civil Defense (OCD) – Ilocos Director at RDRRMC chair Laurence Mina sa memorandum na lahat ng LDRRMO ay dapat na magpatupad ng preemptive evacuation upang masiguro ang kaligtasan ng mga komunidad na nasa high-risk areas.
Nitong Linggo ng hapon, Nobyembre 10, ay nag-isyu ng Storm Surge Warning No. 4 ang OCD para sa moderate hanggang high-risk storm surge sa susunod na 48 oras.
“There is a possibility of inundation due to rising sea water along with high waves in the low-lying coastal communities in some municipalities,” anang OCD.
Ang mga munisipalidad na ito ay ang Bacarra, Badoc, Currimao, Laoag City (Capital), Paoay, Pasuquin sa Ilocos Norte; Cabugao, Caoayan, City of Candon, City of Vigan (Capital), Magsingal, Narvacan, San Esteban, San Juan (Lapog), San Vicente, Santa, Santa Catalina, Santa Cruz, Santa Lucia, Santa Maria, Santiago, Santo Domingo, Sinait, Tagudin sa Ilocos Sur; Agoo, Aringay, Bacnotan, Balaoan, Bangar, Bauang, Caba, City of San Fernando (Capital), Luna, Rosario, San Juan, Santo Tomas sa La Union; at Agno, Anda, Bani, Binmaley, Bolinao, Burgos, City of Alaminos, Dagupan City, Dasol, Infanta, Labrador, Lingayen (Capital), San Fabian, Sual sa Pangasinan, na maaaring makaranas ng isa hanggang dalawang metro ng storm surge.
Posible naman ang 2.1 hanggang 3 metro ng storm surge sa Bangui, Burgos, at Pagudpud sa Ilocos Norte. RNT/JGC