Home METRO Ex-employees ng LRTA nagprotesta sa labas ng SC

Ex-employees ng LRTA nagprotesta sa labas ng SC

Nagsagawa ng kilos-protesta ang ilang dating empleyado ng LRTA sa labas mismo ng Korte Suprema para kalampagin ang ilang mga opisyal nito. Umalma ang mga dating tauhan ng LRTA sa pagbawi sa panalo nila sa kasong illegal dismissal na mahigit 20 taon na nilang ipinaglalaban. Crismon Heramis

MANILA, Philippines- Nagsagawa ng noise barrage at kilos-protesta ng ilang mga dating empleyado ng LRTA sa Korte Suprema.

Hiling ng grupo na bawiin ng SC En Banc ang desisyon ng 3rd Division na pumabor sa paghahabol nila sa separation benefits at backpay.

Ayon sa grupo, nanawagan ang kaanak ng ilan nilang kasama na namapayapa na at naghahabol sa mga benepisyo na dapat nilang matanggap.

Partikular na inalmahan ng grupo ang pagbawi sa naipanalo nilang kaso na illegal dismissal na mahigit 20 taon na nilang ipinaglalaban.

Nagsagawa pa ng noise barrage ang mga raliyista kung saan sila ang mga tinanggal na empleyado bago pa man maisapribado ang LRTA.

Ang pangangalampag ng dating mga empleyado bago maisapribado ang LRTA ay layon na makuha ang nararapat nilang benepisyo na matagal na nilang inaasam at hinihintay. Jocelyn Tabangcura-Domenden