MANILA, Philippines- Dumating na ang mga opisyal mula sa Pilipinas sa Indonesia ngayong Martes ng umaga para sa turnover ng convicted overseas Filipino worker na si Mary Jane Veloso.
Sa pangunguna ni Department of Foreign Affairs undersecretary Eduardo de Vega, umalis ang Philippine officials ng Manila bandang alas-9:15 ng gabi noong Lunes at dumating sa Soekarno-Hatta Airport lampas hatinggabi ng Martes, ayon sa ulat.
Pupunta si De Vega sa Philippine Embassy upang isapinal ang mga papeles ni Veloso.
“Magmi-meet kami ng delegation, kasi narito rin ang NBI. Sa gabi.. ‘yung meeting with the Indonesians para sa turnover,” pahayag ni De Vega.
Magsasagawa rin ng press conference ukol sa turnover ngayong araw.
Samantala, inaasahang maglalabas ng pahayag is Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ukol sa paglilipat kay Veloso.
Inaasahang darating si Mary Jane sa Manila sa Miyerkules ng umaga, at umaasa ang kanyang abogadong makikita nito ang kanyang pamilya sa airport. RNT/SA