Home NATIONWIDE Ex-ES Medialdea inihirit ni PBBM sa ICC na abogado niya

Ex-ES Medialdea inihirit ni PBBM sa ICC na abogado niya

MANILA, Philippines – Itinalaga ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Salvador Medialdea, dati niyang executive secretary, bilang isa sa kanyang mga abogado sa paglilitis ng International Criminal Court (ICC) kung saan nahaharap siya sa kasong crimes against humanity.

Sa isang sulat-kamay na power of attorney na may petsang Miyerkules, hiniling ni Duterte ang tulong ni Medialdea para sa kanyang unang pagharap sa Pre-Trial Chamber.

Kinumpirma ng ICC Registrar ang kahilingan ni Duterte at sinabi ring humiling si Duterte ng karagdagang suporta mula sa Office of Public Counsel for the Defence. Inaasikaso na ng Registry ang presensya ni Medialdea sa pagdinig.

Inaresto si Duterte noong Martes ng umaga at dinala sa The Hague, Netherlands, kinagabihan. Kasalukuyan siyang nakakulong sa Scheveningen Prison habang naghihintay ng kanyang unang pagharap sa ICC sa Biyernes. RNT