Home METRO Ex-konsi timbog sa P1.3M droga

Ex-konsi timbog sa P1.3M droga

CEBU CITY – Arestado ang isang dating konsehal ng barangay sa coastal village ng Talisay City sa isinagawang buy-bust operation matapos makuhanan ng P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu, Linggo ng gabi, Enero 7.

Kinilala ang suspek na si Romeo Santillan, 44, dating konsehal ng Tangke, Talisay City, na inaresto sa karatig nayon ng San Roque, habang nakikipagtransaksyon sa isang pulis na nagpanggap na buyer, sabi ni Lt. Francis Russue, opisyal ng Cebu Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU) .

Nakuha kay Santillan ang 200 gramo ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia. RNT

Previous articleP800M natangay sa paluwagan scam sa Pasig
Next articlePinoy na walang trabaho kumonti sa 1.83M noong Nobyembre